Sa puso ko ay may awit Totoong matamis, Ang tanging nakaririnig, Si Jesus na ibig.
REFRAIN
Kaylaki ng kagalakan Ang sa puso ko'y tumatahan, Kay Jesus ng pagmamahal Ay akin araw-araw.
Sa puso ko'y may liwanag Na tangi sa lahat, Ang sa akin ay naggawad, Si Jesus na liyag.
Ang puso ko'y matiwasay Tahimik na tunay, Pagka't ang kapayapaan Hindi nagkukulang.
Sa puso ko ay may galak Hindi kumukupas, Ako sa lahat ng oras Kanyang nililingap.